Maghimagsik ka, maralita
(taludturang 2-3-4-3-2)
maghimagsik ka, O, maralita, maghimagsik ka
di habampanahong naghihirap ka't nagdurusa
bakit kayo nagtungo sa lungsod mula sa liblib
bakit kahit mahirap ay kinakaya ng dibdib
bakit ba sa dukha'y walang nag-aalalang tigib
ang turing sa inyo'y iskwater sa sariling bayan
gayong sa bansang ito'y taal kayong mamamayan
dito kayo isinilang, ito'y inyong tahanan
wala mang sariling lupa'y dito naninirahan
bakit kayo tumira sa lugar na mapanganib
bakit tinitira kayong parang damo't talahib
bakit sistemang bulok sa inyo'y naninibasib
di habampanahong nagdurusa ka't humihibik
napapanahon na upang ikaw ay maghimagsik
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Wala man sa toreng garing ang makatâ
WALA MAN SA TORENG GARING ANG MAKATÂ minsan, may gabing di na siya kumakain di pa dahil sa kawalan ng kaperahan kundi mas masarap pang pagni...
-
PANANGHALIAN huwag magpakagutom, ang bilin ni misis kaya heto, may pritong tilapya, kamatis at sibuyas, kaysa sa gutom ay magtiis aba'y ...
-
KAMI totoo kami sa pakikibaka seryoso kami sa pakikibaka matapat kami sa pakikibaka narito kami sa pakikibaka kaya huwag nila kaming gaguhin...
-
TAHONG kaysarap naman ng kanyang tahong na niluto, napakalinamnam tagos sa puso, wala nang tanong kung paano nilutong kay-inam tiyak ako...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento